Kabilang sina Wong, ang 1997 Marlboro Tour Champion at Susanto, ang many time SEA Games gold medalists ng Indonesia, sa 28-man field na tumawid ng finish line matapos ang dalawang oras, walong minuto at 58 segundo.
Dahil nagkasabay-sabay sa finish line, parehong oras ang isinumite ni Robert Hunter ng Mapei Quickstep na nanatiling overall leader sa kanyang 1:49 na kalamangan kontra kay Hernan Dario Munoz ng Columbia-Selle Italia.
Dahil dito, nanatiling matatag ang Telekom sa Asian top spot (43:48.34) bunga ng 20 minuto at 28 segundong layo sa pumapangalawang Japan at 43.13 sa pumapangatlong Philippines.
Pinakamagandang tumapos sa mga Pinoy si 1998 Marlboro Tour titlist Warren Davadilla (15:02.36) na pumangpito sa Asian stage, 14 minuto ang layo sa stage winner.
Kahit papaanoy nakabawi si Arnel Quirimit na ikasiyam sa Asian Stage matapos ang nakakahiyang performance sa Stage 4 nang mabitiwan nito ang blue jersey na tatlong sunod na araw nitong suot.
Ika-10 si Villamor Baluyot na parehong oras nina Quirimit at Davadilla (3:03.57).