^

PSN Palaro

Wong, Susanto namayagpag sa Le Tour De Langkawi

-
MELAKA, Malaysia -- Nagtala ng 1-2 finish sina Wong Kampo at Tonton Susanto ng Telekom All-Stars sa Asian stage matapos ang 129.7km paglalakbay mula Bangi New Town patungo sa makasaysayang bayang ito sa pagpapatuloy ng Le Tour de Langkawi.

Kabilang sina Wong, ang 1997 Marlboro Tour Champion at Susanto, ang many time SEA Games gold medalists ng Indonesia, sa 28-man field na tumawid ng finish line matapos ang dalawang oras, walong minuto at 58 segundo.

Dahil nagkasabay-sabay sa finish line, parehong oras ang isinumite ni Robert Hunter ng Mapei Quickstep na nanatiling overall leader sa kanyang 1:49 na kalamangan kontra kay Hernan Dario Munoz ng Columbia-Selle Italia.

Dahil dito, nanatiling matatag ang Telekom sa Asian top spot (43:48.34) bunga ng 20 minuto at 28 segundong layo sa pumapangalawang Japan at 43.13 sa pumapangatlong Philippines.

Pinakamagandang tumapos sa mga Pinoy si 1998 Marlboro Tour titlist Warren Davadilla (15:02.36) na pumangpito sa Asian stage, 14 minuto ang layo sa stage winner.

Kahit papaano’y nakabawi si Arnel Quirimit na ikasiyam sa Asian Stage matapos ang nakakahiyang performance sa Stage 4 nang mabitiwan nito ang blue jersey na tatlong sunod na araw nitong suot.

Ika-10 si Villamor Baluyot na parehong oras nina Quirimit at Davadilla (3:03.57).

vuukle comment

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN STAGE

BANGI NEW TOWN

COLUMBIA-SELLE ITALIA

DAHIL

HERNAN DARIO MUNOZ

LE TOUR

MAPEI QUICKSTEP

MARLBORO TOUR

MARLBORO TOUR CHAMPION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with