Nilagdaan kahapon nina Martin Maengpal Bae, vice president for sales and marketing ng IT and telecoms ng Samsung at ni PBA Commissioner Jun Bernardino ang Memorandum of Agreement sa press conference na ginanap sa Westin Philippine Plaza kahapon.
Mula sa dating three-day a week schedule, mapapanood na ngayon ang mga PBA games tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo bukod pa ang out-of-town games na gaganapin naman tuwing Biyernes.
"It would be the best interest for both television and the PBA and hopefully also for the viewers," pahayag ni Bernardino.
Pormal ding ipinakilala ang mga miyembro ng dalawang Candidates team, ang RP-Selecta at ang RP-Hapee na mapapasabak laban sa 10 regular teams ng PBA na pinalakas ng tigalawang imports, kasama ang coaching staff.
Sa kabuuang 12-koponan na maglalaban-laban, tanging ang Talk N Text na lamang ang walang coaching staff dahil hindi pa rin pormal na maitalaga ng Phone Pals ang American coach na si Billy Bayno dahil posibleng magkaroon ito ng problema sa Basketball Coaches Association of the Philippines.
Ngunit sinabi ni Games and Amusement Board chairman Eduardo Villanueva na mabibigyan nila ito ng lisensiya kung wala itong magiging problema sa batas ng bansa.
"As long as he abides by the laws, then we see no problem on giving his lisence," ani Villanueva.
Inihayag din ni Bernardino na pinakawalan na ng Ginebra si Egay Billiones na kanilang na-draft, dalawang taon na ang nakakaraan ngunit hindi napapirma.
Dahil dito, maaari nang makipagnegosas-yon si Billiones sa FedEx, ang tampok na koponan sa opening day na mapapasabak sa kapwa bagitong Coca-Cola Tigers. (Ulat ni Carmela Ochoa)