Naipagkait ng Paint Masters sa Power Boos-ters ang kanilang tangkang sweep matapos ang 66-47 pamamayani sa Game Four.
Pinatunayan ng Welcoat na kaya nilang manalo kung gugustuhin matapos magpakitang gilas sina MVP Yancy de Ocampo, Jojo Manalo, Renren Ritualo, Celino Cruz at Frederick Canlas upang kontrolin ang laro.
Wala pang koponang nanalo ng titulo mula sa 0-3 deficit sa kahit na anong liga sa kasaysayan ng mundo ngunit hindi ito imposible para sa Paint Masters.
"I should give credits to the boys. I told them that its not just enough that we play in the finals but to play with our hearts. Likewise, Yancy (de Ocampo) proved that he really deserved to be the MVP," pahayag ni Welcoat Paints coach Junel Baculi.
Dahil nasa panig ng Welcoat ang momentum, si Shark coach Leo Austria naman ang kailangang gumawa ng adjustments.
Tanging si Warren Ybañez lamang ang umiskor ng double digit sa kanyang tinapos na 12-puntos sa final period matapos malimitahan sina Chester Tolomia, Irvin Sotto at Rysal Castro.
"Nanggigil lang yung mga bata. I told them na talagang gustong bumawi ng Welcoat. "We were denied the chance of a sweet revenge to sweep the title, kaya nga the boys are more determined to wrap up the title today," ani Austria.