Pinangunahan ng 68 Welcoat slotman ang statistics at botohan upang tanghaling Most Valuable Player ng PBL-Alaxan Challenge Cup matapos umani ng kabuuang 724.5 puntos, 469.5 sa statistics at 255 na boto.
"Magandang pabaon ito para sa akin sa pag-akyat ko sa PBA. At least I got half of my goals, its just unfortunate that were not doing well in the championship series," ani ni de Ocampo matapos tanggapin ang tropeo mula kina PBL Commissioner Chino Trinidad at Chairman Dioceldo Sy.
Tinalo ni de Ocampo sina Chester Tolomia ng Shark na may 613.75 total points at ang kakampi nitong si Renren Ritualo na pumangatlo sa kanyang 551.25 puntos.
Kasama ni de Ocampo sa Mythical Team sina Tolomia at Ritualo bukod pa kina Warren Ybañez na may 517.75 puntos at Allan Salangsang na may 500.25 puntos.
Naibulsa naman ni Mike Cortez ang Best Newcomer Award sa kanyang 378.5 puntos at kabilang din ito sa Second Mythical Team kung saan kasama rin sina Cyrus Baguio (435.75), Jojo Manalo (410.5), Roland Pascual (410) at Rysal Castro (372.25).
Walang naging kalaban si Gary David ng Montana para sa Most Improve Player of the conference habang naibulsa naman ni Dondon Mendoza ng Ana Freezers ang Sportsmanship Award.