Bernardino maraming dapat asikasuhin

Nakatutok ang atensiyon ni PBA Commissioner Jun Bernardino sa National pool kung saan huhubugin ang Pambansang koponan na ipadadala sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Busan, South Korea sa Septyembre.

Ilan sa mga pinagkakaabalahan ni Bernardino ay ang pakikipag-usap sa MBA upang makalaro sa Candidates Pool si Rommel Adducul, ang certificate of confirmation ng tatlong Fil-Am players at ang aktuwal na preparasyon ng Pambansang koponan.

"Its not going to be easy regaining the Asian crown," pahayag ni Bernardino na panauhin kahapon sa lingguhang PSA Sports Forum na ginaganap sa Holiday Inn.

"Our Asian neighbors continue to improve by leaps and bounds, but I don’t think we don’t stand a chance. We’ll be there trying our best fighting," dagdag pa ni Bernardino.

Bagamat kasama sa 30-man National pool, wala pang katiyakan kung ma-kakapaglaro para sa bansa sina MBA stand-outs Chris Clay at Jeffrey Flowers gayundin si Jimmy Alapag.

"I asked them to furnish me their documents so that the PBA can facilitate the issuance of their Department of Justice (DOJ) confirmation," ani Bernardino.

Ibinalita rin ni Bernardino na maganda na ang tinatakbo ng kayang paki-kipag-usap kay MBA Commissioner Chito Loyzaga ukol sa kaso ni Adducul.

Umaasa si Bernardino na matatapos na ang mga problemang ito bago magbukas ang 2002 season ng PBA na bubungaran ng Governors Cup sa Pebrero 10 kung saan ma-papasabak ang dalawang Candidates team na Se-lecta at Hapee. (Ulat ni CV Ochoa)

Show comments