^

PSN Palaro

No. 5 win nahugot ng Letran vs San Sebastian

-
Ginapi ng defending champion Letran ang San Sebastian College, 2-1 kahapon upang maseguro ang paghawak sa liderato ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Inirolyo ng Knights ang kanilang ikalimang sunod na panalo mula kina Chemiel Mantua at Von Ruelan nang manaig kontra Niño Salvador at Arvin Ruel sa doubles, 7-6, 6-2 at Menandro Econg’s na namayani naman sa kalabang si Ruel, 6-2, 6-3 sa ikalawang singles match.

Tanging si Salvador lamang ang nanalo sa panig ng San Sebastian na bumagsak sa ikalawang puwesto matapos na malasap ang unang kabiguan sa limang laro.

Sa iba pang resulta ay pinabagsak ng Mapua ang College of St. Benilde, 2-1, binokya ng San Beda College ang University of Perpetual Help-Rizal.

At sa juniors division, hiniya ng Letran ang San Sebastian, 3-0 upang manatiling walang talo sa 5-laro matapos igupo ni Miguel Narvaez si Jan Grape, 6-1, 6-1 na sinundan ng panalo nina Boris Chavez at Michael Basco kina Jetroy Yadao at Grape, 6-1, 6-2 at talunin ni Basco si Yadao, 8-2.

Pinayukod naman ng CSB Blazers ang Mapua, 3-0, habang blinangka naman ng Red Cubs ang Altalettes, 3-0.

ARVIN RUEL

BORIS CHAVEZ

CHEMIEL MANTUA

COLLEGE OF ST. BENILDE

JAN GRAPE

JETROY YADAO

LETRAN

MAPUA

MENANDRO ECONG

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with