MCC non-masters active chess Tourney sisimulan sa Feb. 17

Sa Inihayag ni MCC president Mila Emperado ang gaganaping non-master active chess tournament sa Peb. 17 sa halip na Open upang magbigay daan sa iba pang chess organizers.

Ang nasabing isang araw na event ay idaraos sa 2/F Centermall, Greenhills Shopping Center simula alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Kuwalipikado lamang na lumahok dito ay ang lahat ng mga untitled chess players--beginners, unrated at rated anuman ang kani-kanilang edad at kasarian.

Nakataya rito ang kabuuang P12,000 na ang magkakampeon ay magbubulsa ng top purse na P4,000 at tropeo. Pagkakalooban naman ang 2nd, 3rd at 4th placers ng P2,000, P1,000 at P700, ayon sa pagkakasunod.

Magbibigay rin ng special prize na P600 sa mga top performers sa mga sumusunod na kategorya: 2100 below; 1900 below; unrated; juniors (20-under) at kiddies (12-under). Para sa iba pang detalye, tumawag lamang sa Metropolitan Chess Club sa 8268560.

Show comments