Magsasagupa ngayon ang Power Boosters at Paint Masters sa alas-5:00 ng hapon para sa Game Four ng kanilang best-of-seven titular showdown sa Makati Coliseum.
Nakalapit sa titulo ang Shark matapos ang im-presibong 67-58 panalo noong Sabado.
"Its now or never," pahayag ni Shark coach Leo Austria. "Were looking forward to a title sweep but were not discounting the possibility of Welcoat coming back in this game."
"Still, theres no room for complacency. Everybody is tired and want to get over with this championship series. Well give it our best today," dagdag pa nito.
Maganda ang ipina-kita ng Power Boosters sa Game Three nang kani-lang limitahan si Renren Ritualo sa 8-puntos at si Yancy de Ocampo na tu-mapos lamang ng 4-puntos at 11-rebounds.
Tanging si Jojo Mana-lo lamang ang umiskor ng double digit sa kanyang tinapos na 13-puntos habang di rin nakaporma si Allen Patrimonio.
Wala pang koponang nakakabalik mula sa 0-3 deficit ngunit walang imposible kayat kinakailangang makagawa ng paraan si coach Junel Baculi upang makabangon pa ang Welcoat.
"We will really try to bounce back today. The title may not be ours but at least we could deny them of a sweet revenge of pulling a sweep against us," ani Baculi.
Gaganapin ngayong alas-4:30 ng hapon ang PBL Individual Players Achievement Awards kung saan ihahayag ang Most Valuable Player, Rookie of the Year, Mythical Five, Second Mythical team at iba pa.