^

PSN Palaro

1000 runners sali sa DZMM Takbo Para sa Kalikasan

-
Mayroon ng 1,000 runners ang maagang nagpatala para lumahok sa DZMM Takbo Para sa Kalikasan na nakatakda sa Pebrero 17 sa Quirino Grandstand bago pa man sumapit ang itinakdang deadline sa Martes.

Magkakaroon rin ng karagdagang araw para sa patalaan sa Greenhills sa Linggo, Peb. 10 upang mapagbigyan ang mga runners na sa araw lamang ng linggo libre.

Ang naturang karera ay nasa ikatlong taon na ngayon at ito ay isang fund raising para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Nakataya sa karerang ito ang cash developmental awards at tropeo sa top three overall gayundin sa top three female finishers sa 3K, 5K at 10K distances. Magkakaloob rin ng medalya para sa top finishers sa walong age group category competition para sa lalaki at limang age group categories para sa babae.

Upang mag-qualify sa age group award, kailangang magdala ng kopya ng kani-kanilang birth certificates o anumang ID. Ang lahat ng kalahok ay pag-kakalooban ng DZMM Takbo Para Sa Kalikasan T-shirts na ipamamahagi sa araw mismo ng karera na magsisimula sa alas-6 ng umaga.

Ang palistahan ay kasalukuyan ng ginaganap sa ABS-CBN public assistance office sa Mother Ignacia St. sa Quezon City at sa ground floor ng Vasquez Madrigal Plaza Bldg., 51 Annapolis St. sa Greenhills.

ANNAPOLIS ST.

GREENHILLS

MANILA BAY

MOTHER IGNACIA ST.

PARA

QUEZON CITY

QUIRINO GRANDSTAND

TAKBO PARA

TAKBO PARA SA KALIKASAN T

VASQUEZ MADRIGAL PLAZA BLDG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with