Sta. Lucia sasandal sa 2 imports
February 4, 2002 | 12:00am
Posibleng hindi ito alam ni Norman Black ngunit ang kanyang koponang Sta. Lucia ay may tsansang maghari ng matagal sa Philippine Basketball Association ngunit maaari ring kabaligtaran nito ang mangyari.
Dahil sa pagbalasa ng kalendaryo ng PBA sa season na ito para sa Asian Games, napasubo ang tropa ni Black sa maagang pagdedepensa ng kanilang Governors Cup title, mahigit isang buwan pa lamang nila itong napapanalunan kontra sa San Miguel Beer noong Disyembre.
At ang taong naging susi para maisukbit ng Robles franchise ang kanilang kauna-unahang PBA title na si Damien Owens ay hindi masisilayan matapos na hindi magkasundo ang Sta. Lucia management at ang Best Import.
Hindi rin maaasahan ng Realtors sina Marlou Aquino at Dennis Espino dahil kasama ang dalawa sa Candidates Pool kung saan magmumula ang RP team na isasabak sa Asian Games sa September.
Kaya naman nakasalalay ngayon sa mga kamay nina imports Leland McDougal at Johnny Taylor ang tagumpay ng koponan na inaasahang mabibigyan ng angkop na suporta ng mga locals na naiwan sa Sta. Lucia.
Si McDougal ay isang maliit na import ngunit ito ay magiging malaking tulong sa outside gunner problema ng Realtors, habang si Taylor naman ang inaasahang pupuno sa pagkawala nina Aquino at Espino.
Naririyan din si Omanzie Rodriguez, ang third pick overall ng Sta. Lucia kasama sina Gerard Francisco at Chris Tan na sasandalan ng Realtors.
Magbubukas ang 2002 season ng PBA sa Linggo sa Araneta Coliseum kung saan magsasagupa ang bagitong koponan ng FedEx at Coca-Cola pagkatapos ng opening ceremonies na magsisimula sa alas-4:00 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended