^

PSN Palaro

JRU di pinaporma ng SSC sa tennis

-
Pinabagsak ng San Sebastian College ang Jose Rizal University, 3-0 kahapon upang manatiling malinis ang kanilang kampanya sa seniors division ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Dumepensa ang Stags sa tagumpay nina Conrado Amita na nagtala ng 6-1, 6-2 panalo kontra Niño Salvador sa unang singles at nakipagtambal ito kay Arvin Ruel na umiskor ng 6-0, 6-0 panalo laban sa tambalang Chester Vicencio at Hercules Aguanta sa doubles, habang magaang namang naipanalo ng Staglets ang kanilang doubles match ng hindi sumipot ang kalaban ni Edgardo Banaag na si Vicencio sa ikalawang single match.

Sa iba pang laro, ginapi ng Mapua Institute of Technology ang University of Perpetual Help-Rizal, 3-0.

Diniskaril ni Raffy Santiago si Dennis Canaria, 6-2, 6-2 sa unang singles, bago nakipagpareha kay Roger Rodolfo upang talunin ang duo nina John Motil at Canaria, 6-1, 6-1 sa doubles.

Kinumpleto ni Flint Almiron ang pananalasa ng Cardinals ng kanyang iposte ang 8-0 panalo kontra Motol sa second single match.

vuukle comment

ARVIN RUEL

CHESTER VICENCIO

CONRADO AMITA

DENNIS CANARIA

EDGARDO BANAAG

FLINT ALMIRON

HERCULES AGUANTA

JOHN MOTIL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with