Tatanggap si de Ocampo, na naghatid sa St. Francis of Assisi Doves sa kampeonato ng NCRAA, ng maximum na suweldong P200,000 kada buwan para sa mga rookies sa kanyang unang taon at sasahod ng P300,000 sa kanyang ikalawang taon at sa huling taon ng kanyang kontrata, makakakuha ito ng P400,000.
Ngunit sinabi ni FedEx president Angelito Alvarez na maaari pang lumaki ang kikitain ni de Ocampo kung maganda ang kanyang magiging performance.
Idinagdag pa ng batang FedEx executive na kung maganda ang kanyang performance sa ikalawang taon ay maaari din itong makipagnegosasyon para sa maximum salary sa kanyang ikatlong taon.
Binigyan din ng business opportunity ang 6-foot-9 na si de Ocampo ng Bert Lina Group of Companies nang ipresinta ito sa Mail and More Shop na isang authorized shipping outlet ng FedEx.
Makakasama ni de Ocampo ang dalawang reinforcements ng Express na sina Jermaine Walker at Rhoderick Rhodes para sa PBA season-opener Governors Cup sa Pebrero 10 sa Araneta Coliseum kung saan makakalaban ng Federal Express ang Coca-Cola.
Samantala, hinihintay ng pamunuan at coaching staff ng Gin Kings ang resulta ng ikalawang pagsusuring ginawa ng mga manggagamot kay Jayjay Helterbrand noong isang linggo matapos itong matuklasang may irregular heartbeat.
Bunga ng initial findings ng mga duktor, si Helterbrand ay hindi mu-na nakipag-ensayo sa Gin kings at para makasiguro ay minabuti ng Gi-nebra na magkaroon ng second opinion na malalaman bukas.
Habang hinihintay ang resulta, pinasipot muna ni coach Allan Caidic sa ensayo ang third round pick na si Aries Dimaunahan na tulad ni Helterbrand ay isang point guard at may outside shooting.
Kung mapapatunayang may sakit sa puso si Helterbrand, papipirmahin ng Gin Kings si Dimaunahan dahil impress din si Caidic sa kilos nito na para sa kanyay kanilang mapapakinabangan sa zone defense.