Gamboa sasabak kay Hoshino

Makakaharap ni dating world champion Joma Gamboa ang ipinagmamalaki ng Japan na si Keitaro Hoshino para sa bakanteng WBA minimumweight title sa Pacifico Yokohama venue sa Yokohama City ngayon.

Ang naturang world title fight ay tinaguriang "Vengeance in Yokohama" ay hatid ng Motolite, Beer na Beer, Revicon at Emperador Brandy at ito ay ipalalabas via satellite ng Viva Vintage Sports simula sa alas-7 ng gabi sa IBC 13.

Napagwagian ni Gamboa ang titulo mula kay Noel Arambulet ng Venezuela at natalo ang kanyang korona sa una nitong pagdedepensa kontra naman kay Hoshino bago napasakamay ng Thai veteran Chana Porpaoin ang korona nang matalo si Hoshino. Ngayon ang nasabing titulo ay hawak na ni Yutaka Niida ng Japan matapos niyang gapiin si Porpaoin noong nakaraang Agosto.

Niyanig ni Niida ang boxing world nang ihayag niya ang kanyang pagreretiro ilang sandali matapos niyang hawakan ang nakuhang korona dahilan upang maglabas ng kautusan ang WBA ng isang rematch sa pagitan nina Gamboa at Hoshino para sa nasabing korona na ang mananalo ay kinakailangang idepensa naman ang titulo makalipas ang 90-araw kontra sa dating kampeon na si Arambulet.

32-anyos na si Hoshino ang record na 22-7b na may 6 KO’s.

Show comments