National pool hinati na
January 29, 2002 | 12:00am
Hinati na ni National coach Jong Uichico ang 30-man Philippine pool sa dalawang koponan kahapon.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama sa isang koponan ang magkapatid na Danny at Andy Seigle at sa kabilang grupo ay nagkasama rin sina Eric Menk at Paul Asi Taulava.
Kabilang sa grupo ng Seigles ay sina Johnny Abarrientos, Boyet Fernandez, Noy Castillo, Renren Ritualo, Jeffrey Cariaso, Don Camaso, Rudy Hatfield, Mick Pennisi, Marlou Aquino, Davonn Harp, Rommel Adducul Danny Ildefonso at EJ Feihl.
Sa kabilang grupo, kasama naman nina Menk at Taulava sina Olsen Racela, Patrick Fran, Kenneth Duremdes, Dondon Hontiveros, Jimmy Alapag, Chris Calaguio, Rafi Reavis, Chris Jackson, Edward Juinio, Dennis Espino, Ali Peek, Jeffrey Flowers at Chris Clay.
"Balance is what we really considered when we formed the two teams. We had some other things in mind but because of the injuries and those who might not play, we decided to group the players that way na lang," ani Uichico.
Ang dalawang koponang ito ay sasabak sa Philippine Basketball Association season-opener na Governors Cup na sasambulat sa Pebrero 10 sa Araneta Coliseum.
Mula sa dalawang koponang ito, huhulmahin ang RP squad pagkatapos ng unang kumperensiya na siyang sasa-nayin ng husto sa ikalawang kumperensiya, ang Commissioners Cup bago isabak sa Asian Games sa Busan, South Korea sa September.
Nagbalik na sa ensayo sina Aquino at Espino na ilang beses di sumipot sa tryouts matapos magkaroon ng di pagkakaunawaan ang una at si Uichico.
Nagkaayos kahapon sina Aquino at Uichico sa pagpapatuloy ng tryout sa Moro Lorenzo gym sa loob ng Ateneo.
"All is well," ani Uichico na natuwa sa pagsipot nina Espino at Aquino. "and had one of their best performances in the tryouts so far."
Ang 10 koponang makakalaban ng dalawang RP Candidate teams ay pinahintulutang kumuha ng dalawang imports na may pinagsamang 13-feet height.
Ang isang koponan ay susuportahan ng Selecta at habang sinusulat ang balitng ito ay hindi pa batid kung anong kumpanya ang dadalhin ng isang koponan.
Di pa tiyak kung makakasama sina Clay, Alapag, Flowers at Adducul at ang iba naman ay may injuries tulad nina Duremdes (kaliwang binti), Peek (tuhod), Ildefonso (bone spurs), Abarrientos (tuhod) at Castillo (paa) na mawawala sa ilang laro.
Plano ni Uichico na magkaroon pa ng ilang practice ang National pool bago paghiwalayin ng practice ang dalawang koponan, isang araw bawat isang team, bago magbukas ang PBA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended