Titulo ibinulsa ni Cuarto sa PHILTA Classic 1
January 28, 2002 | 12:00am
Umiskor ang second seed na si Christian Cuarto ng Narciso School-Angeles City ng 6-3, 6-0 upset na panalo kontra sa top seed Joseph Arcilla kahapon upang isukbit ang titulo ng boys 18-under division ng Philta Classic 1 Age Group Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Napasakamay naman ng tubong Bacolod City na si Alys-sa Labay ang korona sa girls 18-under class nang kanyang pagretiruhin ang No. 1 na si Berry Sepulveda ng Cebu sa second set dahil sa pananakit ng sikmura, 7-5 (ret.)
Ang tagumpay na ito ni Labay ay kanyang dinuplika nang isubi ang titulo sa 16-under category nang kanyang igupo ang second seed Bien Zoleta ng Mary Hill College-Lucena City, 6-4, 6-2.
Kinana naman ng top-ranked na si Irwin de Guzman ng La Salle-Greenhills ang korona sa boys 16-under nang kanyang talunin si Nestor Celestino Jr., ng San Beda College, 6-3, 6-3, habang pina-yukod ng second pick na si Arithmetico Lim ang No.1 Mauric Lao, 6-3, 6-2 para sa titulo ng 14-under category.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended