^

PSN Palaro

Shark humirit

-
Napuwersa ng defending champion Shark Energy Drinks ang sudden death match patungo sa finals nang kanilang angkinin ang 63-54 panalo sa semifinals ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Napakinabangan ng ICTSI-Archers ang nakamit na twice-to-beat advantage kaya’t may tsansa pa silang makausad sa kampeonato dahil dalawang panalo ang kailangan ng Power Boosters para makarating sa finals.

Kumuha ng lakas ang Shark sa pro-bound na si Chester Tolomia na nagtala ng game-high na 17-puntos, tampok ang 11-puntos sa first half kung saan nakauna ang Power Boosters sa 41-32.

Nakalapit lamang ang Archers sa 46-50 sa huling minuto ng third quarter ngunit agad naman kumawala ang Shark sa paghirit ng 59-50 kalamangan patungo sa huling 5:28 oras ng labanan.

Muling maghaharap ang Shark at La Salle bukas para matukoy ang uusad sa kampeonato.

CHALLENGE CUP

CHESTER TOLOMIA

KUMUHA

LA SALLE

MAKATI COLISEUM

NAKALAPIT

NAPAKINABANGAN

NAPUWERSA

POWER BOOSTERS

SHARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with