Diay, napipisil ni GMA na maging PSC commissioner
January 25, 2002 | 12:00am
Ipinahiwatig kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kanyang ikinokonsidera ang nabansagang Asias Sprint queen na si Lydia de Vega bilang isa sa mga commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sa panayam sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na maraming nominado upang mahirang na kumisyuner sa PSC at isa rito si De Vega na nag-akyat ng karangalan sa bansa.
Gayunpaman, magkakaroon ng kaunting problema si De Vega Mercado dahil itoy nanunungkulang councilwoman sa kanyang bayan sa Meycauayan.
Ikinatuwiran ng Pangulo na mas gusto nitong maitalagang opisyal sa PSC ay ang mga dating atleta upang maibabahagi nito ang kanilang mga karanasan sa larangan ng sports.
"Shes (de Vega) one of those Im considering. There are number of nominees for commissioner of PSC and I do want to put some athletes whove already been there so they can share their experience on how they think should have been taken care of," paliwanag ng Pangulo.
Ang pahayag ng Pangulo ay matapos na hirangin ang dating sikat na swimmer at gold medalists na si Eric Buhain bilang PSC Chairman kapalit ni Butch Tuason.
Mayroon ding balitang magkakaroon ng revamp sa naturang ahensiya at tatlong commissioners ang mapapalitan.
May balitang nakatakda na ring palitan ang mga commissioners na sina Ritchie Garcia at Amparo Lim at ang nagbitiw na rin sa tungkulin na si William Ramirez.
Mayroon limang pangalan ang nasa listahan ng itatalagang commissioners ng PSC at kabilang dito sina Nemesio King Yabut Jr., Mindanao State University Sports Dean Sultan Punduma Sani at dating bowling star Olivia Bong Coo.
Mananatili si Cynthia Carrion, na isa sa apat na commissioners. Siya rin ang naatasan ng Palasyo na tumulong sa Search Committe para sa paghahanap ng ibang commissioners na papalit.
Inaasahang magtutulungan sina Carrion at Buhain sa pagpili ng mga bagong commissioners.
Mayroong 61 na aplikante para sa mababa-kanteng puwesto ng mga commissioners ngunit sinala nang mabuti ng komite ang mga aplikante at lima na lamang ang natitira. (Ulat nina Carmela Ochoa at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended