Ipinagpalit ng Talk N Text si Codiñera sa mas batang si Alex Crisano sa isang trade na isinaayos noong Miyerkules ng gabi.
Dahil dito, lumuwag ang salary cap ng Phone Pals dahil malaking kabawasan ang sasahurin ni Codiñera na inaasahang kikita ng P4.8 milyon sa taong ito.
Kaya naman magkakaroon na ng espasyo sa roster ng Talk N Text si Elmer Lago na hinugot naman ng Phone Pals matapos pakawalan ng FedEx.
Samantala, iiwanan naman ni Romel Adducul ang pagta-tryout sa National team na sasabak sa Asian Games na gaganapin sa Busan, South Korea sa taong ito.
Idinadahilan ni Addu-cul ang kanyang conflict na schedule sa Metropolitan Basketball Association at sa tryout ng 30-man national pool.
"He has to take care of his career," ani Ed Ponceja, ang manager ni Addu-cul. "It was a very tough decision because Romel badly wanted to play for the country."
Idinagdag pa ni Pon-ceja na wala namang kasunduan ang MBA at ang National team kayat kailangang igalang ng kanyang player ang kanyang kontrata.
Bukod kay Adducul, hindi rin sumipot sa practice sina Marlou Aquino at Dennis Espino na napapabalita ring iiwanan ang pagtra-tryout upang palakasin ang kampanya ng Sta. Lucia sa nalalapit na pagbubukas ng PBA.
Nakatakdang hatiin ni National coach Jong Uichico sa dalawang grupo ang National pool sa Sabado o sa Linggo at sisikapin niyang paghiwalayin ang mga magkaka-teammate. (Ulat ni Carmela Ochoa)