Nava, nagrehistro ng apat na sunod na panalo

Nagbitiw kahapon si Carlos Tuason bilang chairman ng Philippine Sports Commission.

Tinanggap ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang resignation ni Tuason. Naghahanap na ito nang kapalit ni Tuason na pinsan ng First Gentleman na si Mike Arroyo.

Hindi pa batid kung papalitan ang apat na Commissioners na sina Ritchie Garcia, Amparo Lim, Butch Ramirez at Cynthia Carrion.

Ang mga commissioners ay co-terminous ng Chairman.

Si Tuason ay matagal nang inirereklamo ng mga atleta kaya’t ito ang naging puntirya ng ilang rallies na isinagawa ng mga atleta at coaches.

Nagkaroon ng protesta sa Malakanyang at sa Rizal Memorial Sports Complex kung saan matatagpuan ang tanggapan ng PSC.

Si Tuason ay appointed ng dating Pangulong Joseph Estrada ngunit nang umupo bilang Pangulo si Arroyo ay nanatili pa rin ito sa puwesto.

Isa sa napipisil na pumalit kay Tuason ang dating swimmer na si Eric Buhain. Ngunit posible ring italaga lamang ito bilang isa sa apat na commissioners ng ahensiya.

Bagamat ilang beses nang dumaing ang Athletes and Coaches Association of the Philippines na pinangungunahan ni Jaime Sebastian, ngayong lamang nagkaroon ng tugon ang kanilang matagal nang kahilingan

Show comments