Makakalaban ni Tan Ho, ang 10-under champion sa Penang International Juniors sa Malaysia noong nakaraang taon, ang mananalo sa pagitan nina No. 2 Patrick Arevalo at Tomic Apacible ng Ateneo na maglalaro sa Enero 25.
Umusad din sa boys 16-under semifinals si No.1 si Irwin de Guzman ng La Salle Greenhills gayundin si third seed Ivy de Castro ng Miriam College sa girls division.
Iginupo ni De Guzman si James Murell ng Faith Academy, 6-1, 6-0 habang umiskor naman si De Castro ng 6-0, 6-1 panalo kontra kay Julie Em Botor ng Morning Dew Montessori-Cainta.
Nanalo rin si No. 2 Bien Zoleta ng Mary Hill College-Lucena kay Jessica Agra, 6-1, 6-2.
Samantala, tinalo naman ni Zoleta si fourth seed Ma. Angelica Ngo, 6-2, 6-2 upang samahan ang No. 2 na si Tracy Bautista at No. 3 Alyssa Labay sa girls; 18-under semifinals.
Ang nakababatang kapatid ni Bien Zoleta na si Bambi ay umusad din sa semis ng 14-under at unisex 10-under divisions.
Ang No. 4 na si Bambi ay namayagpag kay Irina Quinatadcan, 6-0, 6-0 upang itakda ang pakikipagharap sa second ranked na si Botor na nanalo sa pamamagitan ng default kontra kay Ira Bautista sa 14-under class.
Sa Unisex 10-under, iginupo ni Bambi si Jigo Pena, 6-1, 6-2 upang ipuwersa ang semifinal showdown kontra kay fourth pick Lawrence Magaway ng La Salle-Greenhills na nanalo kay Joseph Baldonado, 7-5, 0-6, 7-5.