^

PSN Palaro

Olivarez inilampaso ni Ho sa Philta Classics 1

-
Inilampaso ni Joshua Tan Ho ng Xavier School si Edwin Olivarez ng La Salle-Zobel, 6-1, 6-1 kahapon upang makarating sa semifinals ng boys’ 12-under semifinals sa Philta Classic 1 Age-Group Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Makakalaban ni Tan Ho, ang 10-under champion sa Penang International Juniors sa Malaysia noong nakaraang taon, ang mananalo sa pagitan nina No. 2 Patrick Arevalo at Tomic Apacible ng Ateneo na maglalaro sa Enero 25.

Umusad din sa boys’ 16-under semifinals si No.1 si Irwin de Guzman ng La Salle Greenhills gayundin si third seed Ivy de Castro ng Miriam College sa girls division.

Iginupo ni De Guzman si James Murell ng Faith Academy, 6-1, 6-0 habang umiskor naman si De Castro ng 6-0, 6-1 panalo kontra kay Julie Em Botor ng Morning Dew Montessori-Cainta.

Nanalo rin si No. 2 Bien Zoleta ng Mary Hill College-Lucena kay Jessica Agra, 6-1, 6-2.

Samantala, tinalo naman ni Zoleta si fourth seed Ma. Angelica Ngo, 6-2, 6-2 upang samahan ang No. 2 na si Tracy Bautista at No. 3 Alyssa Labay sa girls’; 18-under semifinals.

Ang nakababatang kapatid ni Bien Zoleta na si Bambi ay umusad din sa semis ng 14-under at unisex 10-under divisions.

Ang No. 4 na si Bambi ay namayagpag kay Irina Quinatadcan, 6-0, 6-0 upang itakda ang pakikipagharap sa second ranked na si Botor na nanalo sa pamamagitan ng default kontra kay Ira Bautista sa 14-under class.

Sa Unisex 10-under, iginupo ni Bambi si Jigo Pena, 6-1, 6-2 upang ipuwersa ang semifinal showdown kontra kay fourth pick Lawrence Magaway ng La Salle-Greenhills na nanalo kay Joseph Baldonado, 7-5, 0-6, 7-5.

AGE-GROUP TENNIS CHAMPIONSHIPS

ALYSSA LABAY

ANG NO

ANGELICA NGO

BAMBI

BIEN ZOLETA

DE CASTRO

DE GUZMAN

EDWIN OLIVAREZ

FAITH ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with