White at Brown ang imports ng Purefoods
January 21, 2002 | 12:00am
Sina Leonard White at Derick Brown ang makakatulong ng Purefoods TJ Hotdogs sa kanilang kampanya sa PBA season-opener Commissioners Cup na magbubukas sa Pebrero 10.
Kilala ng karamihan si Brown dahil ito ang reinforcement ng TJ Hotdogs sa Governors Cup noong 2000 kung saan tinanghal itong Best Import kayat muling ibinalik ito noong nakaraang season.
Isang bagito naman si White na galing sa Southern University, ay nailistang may 67 height. Naglaro ito sa Sioux Falls Skyforce sa Continental Basketball Association.
Sa kanyang kampanya sa CBA, ito ay may average na 14.2 points at 14.5 rebounds. naging no. 53 pick ng Los Angeles Clippers sa National Basketball Association noong 1993.
Ilan sa mga nakasama nito sa CBA na nakapaglaro na sa PBA ay sina Sean Higgins at Ryan Fletcher na naglaro sa Ginebra, Harold Ellis sa Pop Cola, Carlos Strong sa Mobiline.
Sinikap na muling ibalik ng TJ Hotdogs si David Wood, ang kanilang naging import sa Commissioner Cup noong nakaraang taon ngunit silay nabigo dahil naka-commit na ito sa Spanish League.
Pupunan nina Brown at White ang pagkawala nina Noy Castillo at Andy Seigle na ipapahiram ng TJ Hotdogs sa National pool kung saan pipiliin ang RP team na sasabak sa Busan Games sa South Korea sa September.
Samantala, magpapatuloy ngayon ang try-outs ng 30-aspirants para sa Pambansang koponan sa Moro Lorenzo gym sa loob ng Ateneo campus.
Sapul nang italaga si National coach Jong Uichico kapalit ni Ron Jacobs na nasa ospital pa rin matapos atakihin noong Disyembre, ay ngayon pa lamang nito titipanin ang mga players.
Hindi makakasama sa practice sina Danny Ildefonso, Kenneth Duremdes at Olsen Racela dahil sa kani-kanilang mga injuries ngunit sasailalim ang mga ito sa rehabilitation program sa training facility ng Moro Lorenzo.(Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended