Yator pumukol ng perfect game sa UAAP women's softball
January 20, 2002 | 12:00am
Gumawa ng kasaysayan si Eldiza Yator kahapon sa UAAP womens softball tournament nang mag-pitch ito ng perfect game, ang kauna-unahan mula nang ibalik ang torneong ito, siyam na taon na ang nakakaraan tungo sa 9-0 panalo ng UE kontra sa Ateneo sa Rizal Memorial ballpark.
Na-strike-out ng 22-gulang na tubong Bukidnon ang 10-hitters at sinuportahan ito ng kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng mahigpit na depensa.
Pumukol naman si Claire Escare ng kanyang ikaapat na homeruns para sa season para sa ikapitong panalo ng UE laban sa isang talo sa 8-laro at manatiling may kalahating laro ang layo sa tournament leader na UP na nanalo naman kontra sa UST, 6-1 para sa kanilang 7-1-0 win-tie-loss card.
Sa ikatlong game, nagtala naman si Nelia Lara ng dalawang homeruns kabilang ang two-run homerun sa unang inning kasama si L.A. Narvaez upang pangunahan ang defending champion Adamson sa 18-3 regulated four inning game kontra sa La Salle.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am