Pinangunahan ni Mike Cortez ang Archers sa kanyang 16-puntos kabilang ang pito sa pivotal run nang kumawala ang ICTSI sa 40-all sa ikatlong quarter at itala ang 53-40 kalamangan, 5:11 na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Umabante pa ang Archers ng 15-puntos, 58-43, 3:09 na lamang ang oras sa laro ngunit nakalapit ang Power Boosters sa 54-58 sa triple ni Warren Ybañez sa huling 26.1 segundo ng labanan.
Ngunit umiskor ng dalawang free-throws si Alvin Castro upang iselyo ang final score tungo sa tagumpay ng La Salle.
Bunga nito, makakalaban ng Shark ang Ana Freezers na nanalo naman sa unang laro sa crossover quarterfinals.
Ang isa pang quarterfinal match-up ay Kutitap Toothpaste laban sa Blu Detergent.
Nakahabol sa huling biyahe paabante sa quarterfinal round ang Ana Freezers kahapon makaraang pataubin ang Montana Pawnshop, 86-70 sa kanilang play-off match.
Sa ikatlong yugto kumawala ang Freezer specialist bunga ng kanilang 22-puntos na produksiyon kontra sa walo lamang ng Jewelers, upang angkinin ang ika-anim at huling quarterfinal slot.
Naging magandang puhunan ito para sa Mendoza franchise na ipinag-patuloy ang pananalasa sa ikaapat na quarter kung saan kanilang ibi-nandera ang 18-puntos na kalamangan.
Itinala ng Freezers Kings ang 68-50 bentahe sa ikaapat na quarter kung saan pinatawan ng double technical foul si coach Turo Valenzona, 7:37 ang oras sa laro bunga ng kanyang pagrereklamo sa officiating.
Pumalag pa rin ang Jewelers sa Ana sa kanilang pagkakahuli sa tulong nina Gary David at Jacques Gottenbos upang bahagyang makalapit sa 63-74 ngunit hanggang dito na lamang ang naisakatuparan ng Montana.