Shark magtutuos laban sa ICTSI-DLSU
January 19, 2002 | 12:00am
Magtutuos ang defending champion Shark Energy Drink at ICTSI-La Salle sa sudden death match para sa huling semifinal berth ngayon sa dalawang mahahalagang laro ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ang mananalo sa alas-4:00 ng hapon eng-kuwentro sa pagitan ng Power Boosters at ICTSI Archers ay magiging seeded sa semifinals habang ang matatalo ay kailangang dumaan sa crossover quarterfinals na magsisimula sa Martes.
Maghaharap din ang Ana Freezers at Montana Pawnshop sa pambungad na laban sa ganap na alas-2:00 ng hapon para naman sa huling quarterfinals berth.
Pinapaborang makopo ng Shark ang huling awtomatikong semis berth dahil dalawang beses itong nanalo kontra sa La Salle sa two-round eliminations.
Dinurog ng Shark ang ICTSI-La Salle, 64-58 noong Disyembre 4 na kanilang dinuplika noong Dis. 20 sa pamamagitan ng 59-55 panalo.
Bagamat galing sa 86-99 pagkatalo sa isang overtime game laban sa Montana, nais ni coach Leo Austria na isantabi ito.
"That loss against Montana was a big lesson for us and I just hope that what we learned from that setback would be a springboard for us to toughen our character and achieve our little retention bid," ani Austria.
Tabla naman ang Freezer K1ings at Jewelers sa kanilang dalawang beses na pagkikita sa eliminations. Nanalo ang Ana sa 87-85 noong Nobyembre 27 ngunit nakabawi ang Montana sa 99-96 noong Dis. 6.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am