UE binokya ng DLSU
January 16, 2002 | 12:00am
Binokya ng La Salle ang University of the East, 3-0 noong Linggo upang manatiling walang talo sa 8-laro sa UAAP mens tennis tournament sa Valle Verde Country Club outdoor courts.
Iginupo ni Pop Sabandon si Jerry Bernabe, 6-4, 6-0 sa unang singles at namayani naman sina Johan Guba at Andre Cruz sa doubles kontra kina Peter John Perpetua at Teddy Danao, 6-2, 6-1. Nanalo naman sa pamamagitan ng default si Nico Faller kontra kay Ray Allan David sa ikalawang singles.
Dinurog din ng Santo Tomas ang Adamson, 3-0 upang manatili sa ikalawang puwesto sa 7-1 kartada habang nanaig naman ang defending champion Ateneo laban sa University of the Philippines, 2-1 upang iangat ang kanilang record sa 5-3.
Sumandal ang Tigers kina Gabby Remigio na nanalo kay Dino Marasigan, 6-1, 6-1 sa unang singles, Karl Santamaria at Art Philip Calingasan na nagtagumpay kontra sa tambalan nina Ariel Tio at Gilbert Sinocruz sa doubles, 5-7, 7-5, 6-3 at Pius Ocampo na nanaig naman kay Randy Baylon sa ikalawang singles, 6-2, 6-2.
Umiskor naman si Niel Steven Co ng 6-0, 6-2 panalo kay JR Maniego na sinundan ng 6-4, 6-1 pamamayani nina Stanly Ong at Francis Gerard Abacan laban kina Nathaniel Guadayo at Marco Antonio Palanca sa doubles 7-5, 6-3, na nagbalewala sa 7-5 at 6-3 panalo ni Karlo David kontra kay Anthony Filamor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended