^

PSN Palaro

Peñalosa, magsasanay sa US

-
Nakatakdang magtungo si WBC International super flyweight champion Gerry Peñalosa sa Los Angeles sa Marso upang magsanay sa ilalim ng American coach na si Freddie Roach na naging susi sa paghusay ng kakayahan ni Manny Pacquiao na nagkaloob sa kanya ng IBF superbantamweight title sa pamamagitan ng sixth round knockout kontra sa champion na si Lehlo Ledwaba ng South Africa noong June 24 sa Las Vegas.

Ayon sa manager ni Peñalosa na si Rudy Salud, inaasahan nitong matagumpay na maidedepensa ni Peñalosa ang kanyang titulo kontra sa Philippine champion na si Joel Avila sa kanilang laban na pansamantalang nakatakda sa huling linggo ng Pebrero o unang linggo ng Marso sa Makati Coliseum bago sumama kay Roach upang ipagpatuloy ang training sa Roach’s Wild Card Dream malapit sa Hollywood.

Sisimulan ni Peñalosa ang sparring sa Rizal Memorial ngayon kontra sa walang talong si superflyweight Rolando Gerongco ng Cebu na sinasabing future title contender sa kanyang record na pitong panalo na may limang KOs.

Kinakailangang talunin ni Peñalosa si Avila at ipanalo ang kanyang nakatakdang tune-up fight sa U.S. bago ito magkaroon ng tsansa sa world crown na kasalukuyang hawak ng Japan-born North Korean Masamori Tokuyama.

Pinangakuan ni WBC chairman Jose Sulaiman si Peñalosa na nagtamo ng malalim na sugat sanhi ng ilang head butts at nasaktan sa ilang low blows sa kontrobersiyal na pagkatalo kay Tokuyama noong September, ng third title crack.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

GERRY PE

JOEL AVILA

JOSE SULAIMAN

LAS VEGAS

LEHLO LEDWABA

LOS ANGELES

MAKATI COLISEUM

MARSO

NORTH KOREAN MASAMORI TOKUYAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with