Kiamco nalo sa Barcelona Battle for the Gold 9 Ball
January 14, 2002 | 12:00am
Nakabawi ang beteranong si Warren Kiamco sa kanyang mahinang simula upang harapin ang mabigat na hamong ibinigay ni Romeo Villanueva tungo sa 13-10 panalo at umusad sa finals ng unang Barcelona Battle for the Gold 9-ball Challenge Tournament noong Sabado sa Robinsons Place Ermita.
Makakalaban ni Kiamco sa finals ang mananalo sa pagitan nina Antonio Lining at Lee Van Corteza na magtutuos naman sa susunod na Sabado sa Robinsons Galleria sa Ortigas.
Nabaon si Kiamco, pumangatlo sa 2001 Tokyo 9-Ball International Tournament, sa 1-7 sa kaagahan ng labanan ngunit nagbangon ito at naka-tabla sa 10-all na nakuha nito ang momentum nang tawagan ni international arbiter Jojie Acuna ng foul ball si Villanueva.
Ang mananalo sa three Saturday tournament na ito ay mag-uuwi ng P150,000 grand prize habang ang runner-up ay magbubulsa ng P50,000. Ang third at fourth placers ay makakatanggap naman ng P25,000.
Mapapanood ng live ang laban nina Lining at Corteza sa susunod na Sabado sa National Broadcasting Network.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am