UAAP Softball tournament: Adamson dinurog ng UST
January 13, 2002 | 12:00am
Nagpakalat ang 2001 PSA awardee para sa womens softball na si Esmeralda Tayag ng apat na hits at magtala ng tatlong RBI (runs batted in), three-run homerun sa ikalimang inning upang patunayan na karapat-dapat ito sa kan-yang natanggap na award upang pangunahan ang University of Santo Tomas sa pagdurog sa defending champion Adamson, 8-0 kahapon sa UAAP softball tournament sa Rizal Memorial ballpark.
Ito ay isang matamis na paghihiganti para sa Tigresses na kagagaling lamang sa 2-6 pagkatalo kontra sa Lady Falcons noong Martes.
Sa unang laro, nagpakawala lamang ng two-hitter si Eldiza Yator habang nagtala naman si Claire Ann Escare ng tatlong RBI kabilang ang solo homerun habang may dalawang two-run-homerun si Angelyn Mendoza upang pangunahan ang University of the East sa pagdurog sa De la Salle University, 15-0 sa regulated five-inning game.
Maagang ipinaramdam ng Lady Warriors ang pagkatalo sa kalaban nang sila ay umiskor ng anim na run sa limang hits na sinabayan pa ng error ng La Salle na nagkaloob sa UE ang ikalimang sunod na panalo matapos mabigo sa kanilang unang laro kontra sa UP para maging matatag sa ikalawang puwesto.
Samantala, makakaharap naman ng Ateneo ang Adamson sa baseball ngayon sa unang laro sa alas 8:00 ng umaga kasunod ng UP-NU game sa alas-10:30 ng umaga habang makakaharap naman ng UST ang La Salle sa main game sa ala-una ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended