Olongapo sasali sa MBA

Isang malaking karagdagan para sa Metropolitan Basketball Association ang paglahok ng Olongapo Volunteers na susuportahan ni Tourisn Secretary Richard Gordon.

"I Think it is very good for our country to have teams based in the cities and provinces," ani Gordon. "It creates a sense of community, a sense of country, in a sense that competing teams from the provinces play together. If, at the end of the game, they show great sportsmanship, great teammanship, then you’ve got a very good example to our country. I think we put this out not to create further tribalism, but to unite the country through sports and tourism."

Ang paglahok ng Olongapo sa MBA na nalipat na sa poder ng National Broadcasting Network sa Channel 4 matapos bitiwan ng ABS-CBN, ay naging ikapitong miyembro ng liga.

Ang iba pang naiiwang koponan sa MBA ay ang Batangas Blades, Negros Slashers, Cebu Gems, PPG Mindanao, Pampanga at ang grupo ni Tim Orbos.

Ayon kay Gordon, ang kanilang pagboboluntaryo sa MBA ay isang magan-dang halimbawa ng kanilang pagpu-promote ng nasyonalismo.

Sa iba pang balita, purong contractual legality lamang ang dahilan ng hindi pagre-release ng Batangas kay Romel Adducul, ayon kay MBA Chairman Santi Araneta.

Dahil hindi nakakuha ng release papers si Adducul, nabigo itong makasama sa PBA drafting na gaganapin sa Linggo sa Glorietta sa Makati.

Ipinaliwanag ni Araneta na isa sa may-ari ng Blades, na may dalawang taon pang natitira si Adducul sa kanyang kontrata at kung hindi papayagan ng PBA ang FedEx o ang iba pang koponan na suportahan ang MBA sa kanilang advertising sponsorship ay hindi magandang ipaubaya ang isang player na malaki ang kanilang naging puhunan.

Show comments