PBL Challenge Cup: Montana tumatag

Naging matatag ang Montana Pawnshop sa huling bahagi ng labanan sa pangunguna ni Jacques Gottenbos na umiskor ng dalawang mahahalagang charity shots upang itakas ang 80-76 panalo kontra sa Ateneo-Pioneer kahapon sa 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Ang panalo ay nagbigay sa Jewelers ng katiting na tsansa sa quarter-finals slot bunga ng kanilang 4-9 kartada. Kailangan na lamang nilang manalo kontra sa defending champion Shark at umasang matalo ang Blu Eagles at Freezer Kings sa isa sa kanilang huling tigalawang larong natitira upang makapuwersa ng three-way tie sa huling quarterfinal seat.

Umabante na ng 16-puntos ang Montana 54-38 ngunit nakalapit ang Ateneo sa 78-75, 5.5 segundo na lamang ang oras sa laro mula sa split shot ni Enrico Villanueva.

Show comments