Ang Paint Masters at ang Detergent Kings ay parehong nagtataglay ng 7-5 win-loss slate at ang mananalo sa alas-5:30 ng hapong sagupaan ay magkakaroon ng pag-asa sa awtomatikong semifinal slot.
Ang mananalo ay kinakailangan makalusot sa kanilang huling laban at umasang matatalo ang defending champion Shark Energy Drink sa isa sa kanilang huling dalawang laro gayundin ang ITCSI-La Salle upang makapuwersa ng three-way-tie sa unahan.
Sa ganitong kaso, ang koponan na may pinakamataas na quotient ang makakakuha ng No. 1 spot habang ang huling dalawang koponan ay maghaharap sa play-off para sa huling awtomatikong semis berth.