Milo Checkmate: Dacanay, 3 pa nagsipanalo
January 5, 2002 | 12:00am
Tatlong manlalaro sa pangunguna ni Dexter Dacanay ang nakasama sa Milo Checkmate team na tutungong Amerika sa Hunyo upang makasama ng outright qualifier Gabby Layugan.
Pinabagsak ni Dacanay si Remille Medina sa 18 sulungan ng Sicilian Dragon variation upang manguna sa top 13 & above qualifying. Makakasama niya sina Amram Ezra Erivas at Emmanuel Eumir Songcuya II na lalahok naman sa 10-under bracket.
Sa kabila ng kanyang upset na kabiguan sa nakababatang finalists na 6-anyos na si Jan Emmanuel Garcia, nagawa niyang dominahin ang 10-under division sa pamamagitan ng apat na panalo at isang talo.
Namayani naman si Songcuya sa mahigpit niyang karibal na si Jude Emil Fronda sa 65 moves ng isa pang Sicilian game upang kunin ang ikalawang puwesto na may 3.5 puntos.
Tinalo ni Aices Salvador si Jaroz Felipe sa 31 moves ng Kings Indian defense upang makasalo sa liderato sa kanyang 3.5 puntos matapos ang limang rounds.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended