Ito ang ipinahayag ni MBA concurrent president at chairman Santi Araneta ng LBC Batangas kamakailan matapos ang kanyang meeting sa matataas na opisyales ng NBN Channel 4 na sina Mia Concio, Bobby Arias at Jose Isabelo,
"Its already a done deal," ani Araneta kung saan dinomina ng kanyang koponang Blades ang 2001 MBA season. "MBA games during weekends starting April will be aired live on NBN 4."
Sa ilalim ng kontrata, ipalalabas ng NBN ang mga laban ng MBA tuwing araw ng Sabado simula alas-6 hanggang alas-11 ng gabi at Linggo mula ala-1 hanggang alas-6 ng hapon. Sinabi pa ni Araneta na kasalukuyan pang pinag-aaralan ng NBN 4 kung kanilang isasama ang mga weekdays games sa kanilang regular schedule o hindi na.
Sa parte naman ni league director for business and marketing Ramon Tuason na ang partnership ng NBN sa MBA ay isang welcome development para sa kanila matapos na magdesisyon ang dating broadcasting ally ABS-CBN na huwag ng i-extend ang kanilang kontrata matapos ang apat na seasons.
Ipinaliwanag din ni Tuason na ang 37-week contract na kapwa nilagdaan ng MBA at NBN 4 noong Huwebes ng gabi ay opisyal na magsisimula sa Abril at kasalukuyan pang tatalakayin ang extension nito.