^

PSN Palaro

MBA, NBN Channel 4 nagpirmahan na

-
Nagkasarahan na ng deal ang Metropolitan Basketball Association at ang National Broadcasting Net-work makaraang ang dalawang partido ay magpirmahan ng isang-taong kontrata na nagsasaad na ang government channel ang siyang bagong tahanan para ngayong taong ikalimang season ng liga.

Ito ang ipinahayag ni MBA concurrent president at chairman Santi Araneta ng LBC Batangas kamakailan matapos ang kanyang meeting sa matataas na opisyales ng NBN Channel 4 na sina Mia Concio, Bobby Arias at Jose Isabelo,

"Its already a done deal," ani Araneta kung saan dinomina ng kanyang koponang Blades ang 2001 MBA season. "MBA games during weekends starting April will be aired live on NBN 4."

Sa ilalim ng kontrata, ipalalabas ng NBN ang mga laban ng MBA tuwing araw ng Sabado simula alas-6 hanggang alas-11 ng gabi at Linggo mula ala-1 hanggang alas-6 ng hapon. Sinabi pa ni Araneta na kasalukuyan pang pinag-aaralan ng NBN 4 kung kanilang isasama ang mga weekdays games sa kanilang regular schedule o hindi na.

Sa parte naman ni league director for business and marketing Ramon Tuason na ang partnership ng NBN sa MBA ay isang welcome development para sa kanila matapos na magdesisyon ang dating broadcasting ally ABS-CBN na huwag ng i-extend ang kanilang kontrata matapos ang apat na seasons.

Ipinaliwanag din ni Tuason na ang 37-week contract na kapwa nilagdaan ng MBA at NBN 4 noong Huwebes ng gabi ay opisyal na magsisimula sa Abril at kasalukuyan pang tatalakayin ang extension nito.

ABRIL

ARANETA

BATANGAS

BOBBY ARIAS

JOSE ISABELO

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

MIA CONCIO

NATIONAL BROADCASTING NET

RAMON TUASON

SANTI ARANETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with