^

PSN Palaro

Balik aksyon ang PBL

-
Mahalagang panalo ang aasintahin ng ICTSI-La Salle at Welcoat Paints upang palakasin ang kanilang kampanya para sa awtomatikong semifinals berth sa pagbabalik aksiyon ng 2001 PBL Challenge Cup ngayon sa Makati Coliseum.

Makakaharap ng ICTSI-La Salle ang Blu Detergent sa main game sa ganap na alas-4 ng hapon, matapos ang engkuwentro sa pagitan ng Kutitap Toothpaste at Welcoat sa alas-2.

Hawak ng ICTSI Archers ang 7-3 win-loss slate at umaasa sila na makakabangon mula sa kanilang nalasap na 55-59 kabiguan sa mga kamay ng defending champion Shark kung saan nais nila na maduplika ang kanilang 65-54 pamamayani sa una nilang laban ng Detergent Kings noong Dec. 1.

Ngunit kung mabibigo ang ICTSI Archers, pag-aagawan ng Blu at Welcoat ang liderato kung kapwa taglay nila ang 7-4 kartada katabla ang Shark.

Kapwa galing sa panalo, inaasahan na nasa magandang kundisyon ang Blu at Welcoat dala na rin ng mahabang pamamahinga.

Tinalo ng Blu ang Montana Pawnshop, 86-83 noong Dec. 20, habang hiniya naman ng Welcoat ang Ateneo-Pioneer, 86-57 noong Dec. 22.

Samantala, muli na namang magpapakita ng aksiyon ang mga commercial at collegiate teams sa pagbubukas ng 3rd Philippine Youth Basketball League (PYBL) sa January 27 sa Makati Coliseum.

Ang sinumang interesadong partido ay maaaring dumalo sa meeting sa Lunes, Jan. 7 sa alas-10 ng umaga sa PBL Office na matatagpuan sa basement ng Makati Coliseum, 31 Mascardo St., La Paz Village, Makati City.

Sa ngayon, anim na koponan na ang nagkumpirma ng kanilang partisi-pasyon sa event na ito kabilang ang defending champion MLQU-Boysen, University of Assumption at Pampanga-based Skyland Estate. Ang mga interesadong koponan ay maaaring makipag-ugnayan kay Nida Tolosa sa PBL.

BLU

BLU DETERGENT

CHALLENGE CUP

DETERGENT KINGS

KUTITAP TOOTHPASTE

LA PAZ VILLAGE

LA SALLE

MAKATI CITY

MAKATI COLISEUM

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with