^

PSN Palaro

Spring Cooking Oil vs Sta. Lucia sa Israel

-
Makaraang hiyain ang Korea sa nakaraang National Open Basketball Championships noong nakaraang Nov.,umaasa ang Spring Cooking Oil na magiging maganda ang pasok ng taon sa kanila sa nakatakda nilang pakikipagbangga sa 2001 PBA Governors Cup champion Sta. Lucia Realty sa two-game goodwill exhibition sa Joseph Burstein Sports Palace sa Tel Aviv, Israel.

Ang Cooking Oil Experts na pag-aari ng businessmen-sportman Nathaniel ‘Tac’ Padilla at Herbert de Jesus ay babanderahan ni Bobby Parks, isang seven-time PBA Best Import gayundin si dating Socsargen Marlins guard Bong Alvarez.

Ang mga tickets para sa nabanggit na two-game exhibition sa pagitan ng Spring Cooking Oil at Sta. Lucia ay sold-out na at inaasahang magiging mahigpitan ang labanan ng dalawang koponan. Ang laban ng dalawang koponan ay nakatakda sa Jan. 5 at 6.

Kasalukuyan ng inaayos ng Philippine Embassy sa Israel ang posibleng laban sa pagitan ng Sta. Lucia at Israel team na babanderahan ng hindi bababa sa limang national players.

Inaasahang kakampanya rin si Kenny Travis, 1993 PBA Best Import na tumulong sa San Miguel Beer sa 1993 Governors Cup crown sa Cooking Oil Experts upang magbigay ng mabigat na laban sa Sta. Lucia.

Tinalo ng Spring Oil ang Korea-Sangmu sa National Open, 84-68 sa likod ni imports Hamzah Yahya Johad at Parks. Si Johad ang tinanghal na MVP ng tournament nang humakot ng 25 puntos, habang 18 naman si Parks.

vuukle comment

ANG COOKING OIL EXPERTS

BEST IMPORT

BOBBY PARKS

BONG ALVAREZ

COOKING OIL EXPERTS

GOVERNORS CUP

HAMZAH YAHYA JOHAD

JOSEPH BURSTEIN SPORTS PALACE

KENNY TRAVIS

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with