^

PSN Palaro

PSA Awards night sa Enero 11

-
Ang lahat ay handang-handa na sa pagbibigay parangal ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa mga mahuhusay na atleta ng bansa sa gaganaping Annual Awards Night sa Jan. 11 sa Holiday Inn Hotel.

Mangunguna sa pararangalan sina billiards champion Efren "Bata" Reyes at ang Fil-American Dorothy Delasin na nahirang bilang Co-Athletes of the Year.

Ang awards ay igagawad mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sa kauna-unahang pagkakataon ay dadalo sa PSA Awards Night matapos na manungkulan noong nakaraang taon.

Ang walong atleta na tatanggap ng major awards ay pangungunahan naman nina Danny Ildefonso (pro) at Ren Ren Ritualo (amateur) kasama sina Manny Pacquiao (boxing), Eduardo Buenavista (track and field), Liza del Rosario (bowling, Frankie Lim (golf), Pat Dilema (Jockey of the Year) at Wind Blown (Horse of the Year).

Ang PSA Awards Night ay hatid ng Photokina Marketing at Red Bull na may suporta mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ang mga gold medal winners sa nakaraang Kuala Lumpur SEA Games ang siyang mangunguna sa local athletes na bibigyan ng citations kabilang dito ang athletics team nina Ernie Candelario, Fidel Gallenero, Dandy Gallenero, John Lozada, Elma Muros-Posadas, Cristabel Martes, Roy Vence, Purita Joy Marino (archery), RP men’s team (basketball) at billiards trio nina Lee Van Corteza, Antonio Lining at Warren Kiamco.

Ang iba pang pararangalan ay ang RP bowling team (Chester King, Christian Suarez, Enelbert Rivera, Benito Dytoc at Leonardo Rey), RP trio team (Leonardo Rey, Chester King at CJ Suarez), RP doubles team nina Arriane Cerdena, Wally Mendoza (fencing), Juvic Pagunsan (golf), John Baylon (judo), karatekas Jose Ma. Pabillore at Gretchen Malalad, Jasmin Luis (shooting), taekwondo jins Veronica Domingo at Ma. Nelia Sy-Ycasas, wushu’s Mark Rosales, Willy Wang, Jerome Galica at Marques Sanguiao, motorsports’ Glenn Aguilar at Kenneth San Andres at powerlifters Erlina Pecante at Antonio Taguibao.

At dahil sa pagpapalawak ng grassroots development program at matagumpay na pagdaraos ng Batang Pinoy Games at Mindanao Friendship Games, pagkaka-looban din ng sportwriting fraternity ng special citations ang Philippine Sports Commission (PSC).

vuukle comment

ANNUAL AWARDS NIGHT

ANTONIO LINING

ANTONIO TAGUIBAO

ARRIANE CERDENA

AWARDS NIGHT

BATANG PINOY GAMES

BENITO DYTOC

CHESTER KING

LEONARDO REY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with