Tinalo ni Dandan si James Murrell, 6-2, 6-0 upang itakda ang kanilang pagkikita ni third seed Janji Soquino, habang namayani naman si Villarete kay Edison Santiago, 6-4, 6-3 at umusad sa susunod na round kung saan makakaharap niya si Julianito Jopia.
Sa iba pang laro, ginapi ni Ken Borromeo si Perene Alina, 7-5, 6-3; kinailangan ni Renz Jon De Villa na mag-rally bago niya napasuko si Yamashita So, 6-4, 2-6, 7-5 at pinataob ni Bryan Dayleg si William Murrell, 6-4, 2-6, 10-8.
Sa boys 14-under class, hiniya ni Jonathan Murrell si Rodel Navarro, 6-1, 6-1; nalig-tasan ni Mikoff Manduriao ang kalabang si Ogie Reynoso, 7-6 (7), 5-7, 8-6 at sinibak ni Bryan Lontok si Winston Aquino, 6-3, 6-4 upang maku-ha ang second-round berths.
Sa boys 12-under category, ginapi ni Akio Sy ng New Life Learning Center si Rodel Joseph Navarro, 6-4, 6-1 at tinalo ni Tomic Apacible ng Ateneo si John Allan Quinatadcan, 6-1, 6-0 upang makasama sina Jonathan Murrell, Jose Lorenz Opulencia, Carlos Espidido at Rodel Joseph Navarro sa susunod na round.
Samantala, pinayukod ni fourth seed Ma. Angelica Ngo si Marianne Salvacion, 6-4, 6-1 at nanaig ang No. 7 Kristel Samala kay KC Lopez, 6-1, 6-1 upang itakda ang kanilang second-round showdown sa girls 18-under class.