Guba, Zoleta umiskor ng doble panalo sa Milo netfest
December 30, 2001 | 12:00am
Umiskor ng tigalawang panalo sina Yannick Guba ng St. Benilde-Bacolod at Bambi Zoleta ng Mary Hill College-Lucena sa pagpapatuloy kahapon ng 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Rizal Memorial Tennis Center.
Naibulsa ni Guba ang korona sa boys 18-under nang kanyang gapiin si Ian de Guzman, 6-2, 6-1 at winalis ang 16-under crown makaraang humatak ng 6-2, 6-2 panalo laban kay Jandrick de Castro ng Veterans Memorial Tennis Club.
Pinatalsik ni Zoleta si Jessica Agra ng Colegio de San Agustin, 6-3, 6-3 upang makopo ang korona sa girls 12-under. Nasungkit din niya ang unisex 10-under title matapos na silatin si Gerard Ngo ng Lourdes School, 6-4, 6-3.
Dinomina ni Tracy Bautista ng Emilio Aguinaldo College-Cavite ang girls 18-under class matapos na magretiro si Bernardine Sepulveda ng Sacred Heart School-Cebu dahil sa pananakit ng kanyang sikmura.
Nauna ng naumit ni Sepulveda ang korona sa 16-under bracket nang itala ang 6-2, 6-2 panalo kontra Ivy de Castro ng Mirriam College.
Tinanghal rin na kampeon sina Arithmetico Lim ng Chiang Kai Shek, Leyan Moncera ng Olongapo City at Melissa Orteza ng La Salle-Zobel sa event na ito na inorganisa ng Childrens Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended