Napili sina Ildefonso, nanalo ng back-to-back MVP titles at tatlong conference titles sa nakaraang PBA season at si Ritualo, MVP ng 2001 UAAP season at isa sa dominanteng manlalaro sa PBL bilang best professional at amateur players, ayon sa pagkakasunod sa botohan ng mga sportswriters.
Makakasama nina Ildefonso at Ritualo ang anim na iba pang awardees na ta-tanggap ng kani-kanilang tropeo mula kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na inimbitahan upang maging guest of honor at speaker sa nasabing tradisyunal na Annual Awards ng pinakama-tandang news organization sa bansa.
Ang PSA Annual Awards ay hatid ng Photokina Marketing at Red Bull at suportado ng Philippine Sports Commission.
Tatanggap ng isa sa major awards si Eduardo Buenavista, ang individual double gold medalists ng bansa sa nakaraang 2001 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur noong nakaraang September sa athletics.
Sa bowling ang major awardees ay si Liza del Rosario na nagwagi ng double golds sa SEAG sa pakikipagpartner kay Arianne Cerdeña at sa kanyang pag-tapak sa finals ng prestihiyosong World Cup bowling sa Thailand noong nakaraang buwan.
Si Frankie Minoza naman ang napili sa professional gold sa taong dahil sa kanyang pagwawagi sa Fuji Sankei Classic at nagbulsa ng $180,000 (P9 million) sa mayamang Japan Tour kung saan siya ay tumapos rin ng ikalawa sa order of Merit at tinapos ang season na kumita ito ng mahigit sa P20 milyon.
Isa sa major awards ng PSA na itinatag noong 1949 ng mga grupo ng mga sportswriters na kinabibilangan nina dating Press Secretary Teddy Benigno ay ipagkakaloob sa kabayong si Wind Blown na nanalo ng lahat ng major stakes races ngayong taon at ang hineteng si Pat Dilema.
Si Pangulong Arroyo ang siyang maggagawad ng pinakamataas na awards ng PSA kina world billiards champion Efren "Bata" Reyes at Fil-American golfer Dorothy Delasin na napili ng mga miyembro ng PSA bilang Co-Athletes of the Year.
Inimbitahan din sa Awards Night ang mga sports officials mula sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic, pangulo ng mga National Sports Associations at miyembro ng corporate community.
Ang mga hindi pa nakakakuha ng kani-kanilang imbitasyon bago ang Awards Night ay maaari nilang kunin bago magsimula ang naturang okasyon.