^

PSN Palaro

Adducul tuloy na sa PBA pero...

-
Opisyal na.

Wala ng makakapigil pa kay Romel Adducul sa kanyang pag-akyat sa Philippine Basketball Association.

Kahapon isinumite na ni Adducul kasama ang 46 iba pang aspirante sa pamamagitan ng kanyang manager na si Ed Ponceja ang kanyang aplikasyon para makabilang sa gaganaping PBA Annual Draft sa Enero 13 sa Glorietta sa Makati.

Ang pagkakasama ni Adducul sa taunang Draft ang posibleng maglagay sa kanya bilang first overall pick.

Dahil huling araw na ng pagsusumite ng kanilang aplikasyon kahapon, nang mula sa paunang 34 na aspirante ito ay lumobo sa 81 na kinabibilangan ng mga superstars mula sa collegiate at commercial league.

Hindi rin nagpahuli ang pinakamahusay na point guard sa collegiate at Philippine Basketball League na si Mike Cortez ng La Salle at ito ay magtatangka na ring makalaro sa PBA.

"Definitely, this augurs well for the continued success of the PBA," pahayag ni PBA Commissioner Jun Bernardino na nandoon sa opisina kahapon upang personal na makita ang mga aspirante na pumipirma ng kani-kanilang application forms.

Ang draft na ito ang punung-puno ng matalentong mga manlalaro at inaasahang marami sa makukuha rito ay agad na mapapapirma ng kontrata ng kani-kanilang mga koponan.

Bukod kina Adducul at Cortez, nauna ng naghain ng kanilang aplikasyon sina Chester Tolomia ng Shark at Ren Ren Ritualo ng Welcoat.

Inaasahan na hindi pakakawalan ng Tanduay na siyang may-ari ng first overall pick na kanilang nakuha mula sa Talk N Text sa isang trade sa kaagahan ng taon kung saan ang kanilang prangkisa ay naibenta na sa FedEx Corporation si Adducul upang siyang pumuno sa bakanteng puwesto na iniwan ni Eric Menk na napasama sa isang blockbuster trade sa Ginebra sa kalagitnaan ng Governors Finals.

Isa lamang ang magiging problema ni Adducul, ito ay ang kanyang mother team sa MBA dahil hindi pa siya nakakapagsumite ng kanyang release papers mula sa Batangas Blades.

Si Adducul ay kuwalipikado ng umentra sa Draft matapos ang apat na taon kung saan siya ay unang nagpahayag ng interes ngunit umatras sa huling sandali.

Hawak pa rin ng Tanduay ang second round pick na kanilang nakuha mula sa Pop Cola kapalit nina Bonel Balingit at Wynne Arboleda noong nakaraang taon.

Susunod na pipili ang Sta. Lucia, bago ang Shell, Red Bull at ang ookupa ng No. 5 at 6 ay ang Alaska.

Bagamat umabot sa 81 ang aspirante ng nagnanais na umakyat sa PBA, maaari pa itong bumaba kapag sinimulan na ng Office of the Commissioner ang screening sa lahat ng kandidato.

Ang lahat ng aplikante ay mayroong hanggang Enero 8, 2002 para makumpleto ang lahat ng kinakailangang mga dokumento kung saan ang lahat ng Fil-Americans ay kailangang magsumite ng kanilang Department of Justice confirmation ng kani-kanilang citizenship bago ideklara na eligible sila sa Draft.

Kabilang naman sa mga malalaking pangalan ng Fil-AMs sina Chris Clay, Jeffrey Flowers at Reafi Reavis na siguradong makukuha.

Ang iba pang kilalang manlalaro na pumirma ng kanilang aplikasyon ay sina Chris Calaguio, Sunny Margate, Rainier Sison, Jojo Manalo, Alvin Castro, Leonides Avenido, Omanzie Rodriguez, Ercito Victolero at dating FEU Tamaraw Celino Cruz.

ADDUCUL

ALVIN CASTRO

BATANGAS BLADES

BONEL BALINGIT

CHESTER TOLOMIA

CHRIS CALAGUIO

CHRIS CLAY

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

DEPARTMENT OF JUSTICE

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with