^

PSN Palaro

Dartfest para sa batang may cerebral palsy

-
Panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan at iya’y tutoo maging sa mga darters na dadalo sa huling torneo ng taon na isang fund-raising event para sa isang batang mayroong cerebral palsy.

Magtitipun-tipon ang mga darters sa Amber Ihaw-Ihaw Restaurant sa Makati City sa Sabado, Disyembre 29, para sa P7,000 Huling Hirit Darts 2001 (para kay baby Boy Rodel Dableo).

Ang year-end tournament ay isang birthday tournament ni Darts Council of the Philippines (DCP) Director for Operations Errol Magtubo na taun-taon ay nagdo-donate ng kinita nito sa mga charitable institutions.

"Napanood ko si Rodel sa television at naawa ako," ani Magtubo.

Si Dableo, may edad na isang taon at pitong buwan ay pasyente ng Bisig Bayan ni Mel Tiangco. Ang kanyang ama ay namatay dahil sa kidney problem matapos na ipanganak siya at dahil dito’y nag-iisa ang kanyang inang labandera na bumubuhay sa tatlong magkakapatid.

Noong Disyembre 22, isang pre-Christmas tournament na ginanap din sa Amber’s ay nakatanggap na ng mga donasyon si Rodel na naging panauhing pandangal ng mga darters.

Inaasahang marami pang kontribusyon ang kanyang matatanggap sa Sabado sa torneong inisponsoran nina Larry Memije, Louie de Jesus at friends of ERM. Ang iba pa’ng sumusporta sa torneo ay ang Amber’s Restaurant, Gameworx, Terton Craft, Data-trade, Toby’s Winmau Sports, Unicorn, Dataware, Burlington House, Monch Rebullida at Rolly Sacdalan.

Ang tournament format ay classified doubles, killers/double knockout. Ang entry fee ay P100. Magsisimula ang rehistrasyon sa ganap na alas-7 ng gabi at ang laro ay sa ganap na alas-8:30 ng gabi.

vuukle comment

AMBER IHAW-IHAW RESTAURANT

BISIG BAYAN

BOY RODEL DABLEO

BURLINGTON HOUSE

DARTS COUNCIL OF THE PHILIPPINES

HULING HIRIT DARTS

LARRY MEMIJE

MAKATI CITY

MEL TIANGCO

MONCH REBULLIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with