^

PSN Palaro

Green Archers winalis ang UAAP tennis tournament

-
Pinatibay ng De La Salle ang kanilang kampanya para sa pagpapanatili ng titulo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s tennis tournament nang ma-sweep ang first-round noong Linggo.

Ikinamada ng Green netters nina Roland Kraut at Taddy Cruz ang kanilang ikalimang sunod na panalo matapos ang 2-1 decision kontra sa Adamson U sa Valle Verde Country Club outdoor courts.

Tinalo ni Pop Sabandon si Ariel Tio, 6-2, 6-4 sa unang singles upang ibigay sa La Salle ang 1-0 kalamangan. Nagawang itabla ng Adamson ang iskor nang mapagwagian ng tambalang Randy Baylon at Albert Dino Marasigan ang doubles kontra sa pareha nina Donn de Dios at Joseph Nicholas Faller, 6-4, 6-4, ngunit isinalba ni Johan Guba ang kampanya ng Taft-based squad nang iposte ang 6-0, 6-3 panalo laban kay Gilbert Sinocruz sa second singles.

Tumapos ang University of Santo Tomas ng ikalawang puwesto na may 4-1 record makaraang itala ang 3-0 panalo kontra Ateneo. Lumagpak ang Eagles sa ikatlong posisyon na may tatlong panalo at dalawang talo.

Ginapi ni Karl Thomas Santamaria si Neil Co, 6-4, 5-7, 6-3; pinataob ng tambalang Gabriel Remigiom at Art Calingasan ang duo nina Stanley Ong at Francis Abacan, 4-6, 6-3, 6-1 at nasilat ni Pius Ocampo si Ronaldo de Guz-man, 4-6, 7-5, 6-3.

Pinayukod ng University of the East ang University of the Philippines, 2-1 upang pagandahin ang kanilang records sa 2-3. Nalasap ng UP Maroons ang kanilang ikaapat na talo, habang walang naiposteng panalo ang Adamson sa limang laro.

Sumandig ang Warriors kay Ray Allan David na nanalo ng unang singles kontra Nathaniel Guadayo, 7-5, 3-6, 7-6 (5) at umiskor sina Peter John Perpertua at Teddy Danao ng 4-6, 7-6 (5), 6-2 tagumpay laban sa pareha nina Karlo Iñigo David at Dustin Homer Opena sa doubles, tanging si Gian Karlo Remigio lamang ang nakapagtala ng tagumpay sa UP nang kanyang igupo si Jerry Bernabe, 4-6, 6-2, 6-3.

Sa distaff side, binokya ng UST ang La Salle, 3-0 upang manatiling walang talo sa tatlong laro.

Pinabagsak ni Charise Godoy si Sommer Bisagas, 7-5, 6-1 sa unang singles; nanalo si Katrina Lopez at Julie Ann Cadiente sa tandem nina Cristina Gomez at Liza Buenbrazo, 6-4, 7-6 (1) at sinibak ni Ofelia Arribe si Janet Jill Uy, 6-4, 6-3.

ADAMSON

ADAMSON U

ALBERT DINO MARASIGAN

ARIEL TIO

ART CALINGASAN

CHARISE GODOY

CRISTINA GOMEZ

DE LA SALLE

DUSTIN HOMER OPENA

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with