^

PSN Palaro

Pagsasanay ng mga atleta sa ilalim ng world class coaches prayoridad ng PSC

-
Pangunahing prayoridad ng Philippine Sports Commission ang pagbibigay ng pagkakataon na magsanay sa ibang bansa sa ilalim ng mga world-class coaches na mag-aangat sa kalidad ng mga atletang Pinoy. Ito ang pananaw ni PSC chairman Carlos Tuason.

Kaya naman kasalukuyan nang inihahanda ang karagdagang pagsasanay para sa mga atleta sa Australia at China sa susunod na taon.

Sinabi ni Tuason na ang napagkasunduang "bilateral sports agreement" sa Australian Sports Commission at Chinese Ministry of Sports ang prayoridad na programa ng PSC para sa taong 2002.

Bukod dito, higit na pagtutuunan ng ahensiya ang pangangailangan ng mga atleta sa training competition, technology, coaching seminars at equipment.

Matatandaang ito ang mga naging dahilan ng mga atleta upang magrebelde at gumawa ng mga protest rally laban sa PSC.

May magandang programa rin na naghihintay sa mga kabataan na nasa lalawigan partikular ang mga may potential na nadiskubre sa nakaraang Batang Pinoy-National Games sa Bacolod City.

"The PSC has conducted the Third Summer Youth Training Camp at the Marcos Stadium in Laoag City as part of its commitment to develop a new generation of sports heroes," pahayag ni Tuason.

Ayon pa kay Tuason, na ang nakatakdang pagsasanay sa mga atleta sa Australia at China ay inaasahang higit na magpapaunlad sa kakayahan ng mga Pinoy sa mga international competition. Idinagdag pa ni Tuason na matagumpay nilang naipasa ang Republic Act No. 9064 o ng "Sports Beneifts and Incentives Act" na magbi-bigay ng malaking insentibo sa atletang nakapagbigay ng karangalan sa bansa sa mga nakaraan at sa hinaharap na international competitions.

At upang mapalawig ng commission ang kanilang kampanya para sa kakayahan ng mga kabataan, sinabi ni Tuason na magdaraos ang ahensiya ng Palaro ng Batang Lansangan kung saan walang iba kundi ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang siyang panauhing pandangal.

Bilang pagpapalawig rin ng PSC ng kanilang pondo kung saan kanilang ini-release ang P250 milyon mula sa 47 national sports association simula Enero hanggang Disyembre.

Ang nasabing pondo ay buwanang mapupunta sa mga atleta at coaches, sa pagkain, equipment, uniforms, kabilang ang training preparations, international exposures at gastusin para sa paglahok ng bansa sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games.

"All these do not mean, however, that the PSC limited its projects to national and international arenas," ani Tua-son. "Last November, we held the Mindanao Friendship Games in Tubod, Lanao del Norte as our contribution to the government’s effort to foster peace, harmony and brotherhood among Muslims, Christians and Lumads in Mindanao," pagtatapos ni Tuason.

vuukle comment

AUSTRALIAN SPORTS COMMISSION

BACOLOD CITY

BATANG LANSANGAN

BATANG PINOY-NATIONAL GAMES

CARLOS TUASON

CHINESE MINISTRY OF SPORTS

CHRISTIANS AND LUMADS

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with