Burlington patuloy ang pagsuporta sa sports

Para sa ikauunlad ng pampalakasan para sa mga kabataan, patuloy ang suporta ng Burlington Industries Phils., (BIP) Inc.

Itinaguyod ng BIP Inc., taga-gawa ng Burlington, Puma at Bally socks ang Age Group Tennis challenge kung saan ang mga kabataang lalaki ay hinahasa bilang mga kampeon sa hinaharap na kompetisyon. Ito ay ginanap sa Rizal Sports Complex sa Pasig City.

Noong nakaraang tag-araw, ang Burlington ang nagtaguyod ng Orly Bauzon Basketball Camp sa Pangasinan at Bicol.

Ang dalawang beses na Olympian ay nagbahagi ng kanyang karanasan at kaalaman sa basketball sa mga kabataang Pangasinense at Bicolano.

Kamakailan, ang Burlington ay pumirma bilang presentor ng 10-leg Bente Uno Basketball Challenge, isang kakaibang event para mapabuti ang kagalingan sa pagbuslo ng mga batang manlalaro at pati na rin ang magbigay ng kaaya-ayang kasiyahan.

Ang inagurasyon ay ginawa sa Don Bosco Technical Institute sa Makati.

Show comments