Mapulitika ang mundo ng sports
December 25, 2001 | 12:00am
Naging mapulitika ang mundo ng sports sa taong 2001.
Agawan sa liderato ng mga asosasyon, away sa pagitan ng mga atleta at Philippine Sports Commission Chairman Carlos Tuason damay na rin si Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit.
Ngunit ang higit na naging laman ng diyaryo ang kontrobersiya sa Basketball Association of the Philippines kung saan nakalaban ni Quintellano "Tiny" Literal sina Freddie Jalasco at Lito Puyat sa pagiging presidente ng aso-sasyon ngunit di naglaon ay nakuha rin nito ang bendikasyon matapos manalo sa eleksiyon na pinangasiwaan ng International Basketball Federation.
Nagkaroon din ng leadership crisis sa bowling, karatedo, softball, tennis cycling at weighlifting na hanggang ngayon ay di pa nareresolba.
Naging mainit din si Tuason na siyang puntirya sa tatlong protest rallies, una noong Marso nang pangunahan ni Jaime Sebastian, dating SEA Games weightlifting champion, ang grupo ng mga atleta at coaches na nais magpatalsik kay Tuason bilang chairman ng PSC dahil sa graft and corruption.
Naulit pa ang pagmamartsa ng mga atleta sa Malakanyang ngunit wala pa ring nangyari at hindi naman naging matagumpay ang plinanong malawakang pagproprotesta dahil nawala sa aksiyon si Sebastian, ang presidente ng Athletes and Coaches Alliances of the Philippines.
Si Dayrit naman ang sumunod na pinag-initan nang pangunahan ni athletics chief Go Teng Kok ang pagpapatalsik sa dati niyang kaalyansa sa pagtatanggal sa posisyon kay Cristy Ramos na naging kakampi naman ni GTK sa pagkakataong ito.
Ngunit hindi nagtagumpay ang naturang hakbang laban kay Dayrit na napag-initan dahil sa kanyang desisyong patuloy na kilalanin ang grupo ni Jalasco at Puyat sa alitan sa liderato sa BAP.
Hindi rin naging maganda ang kampanya ng bansa sa SEA Games na bumagsak sa ikalimang puwesto matapos maungusan ng Vietnam makaraang kapusin ng siyam na medalya ang 40 gintong medalyang predik-siyon.
Nang dahil sa dalawang paksiyon sa BAP, nalagay sa kahihiyan ang bansa nang I-ban ng FIBA ang Pilipinas na lumahok sa anumang kompetisyon na kanilang kinikilala na naglagay sa alanganin sa kampanya ng bansa na maidepensa ang titulo sa SEA Games sa basketball events.
Mabuti na lamang at agad ding naayos ang gulo sa BAP bago pa man dumating ang itinakdang deadline nang manalo si Literal sa botohan na isinagawa ng FIBA na siyang nag-alis ng lift ng ban sa bansa at matagumpay na naidepensa ng RP-Five ang korona sa ika-11 sunod na pagkakataon.
At matapos ang kampanya sa SEAG kung saan ang atlhetics team ni GTK ay nag-uwi ng walong medalyang ginto na tinampukan ng double-gold winner na si Eduardo Buenavista 3,000m at 5,000m steeplechase, tuluyan ng kinilala ang kampo ni Literal ng POC.
Upang ipakita ang kanilang malasakit, kinilala ng BAP ang dating kasunduan ng Philippine Basketball Association at dating BAP ni Puyat na responsibilidad ng PBA ang kampanya ng bansa sa Asian Games.
Itinalaga ni PBA Commissioner Jun Bernardino ang kontrobersiyal na Amerikanong mentor na si Ron Jacobs bilang guro ng National squad at nag-sagawa ito ng tryouts para sa komposisyon ng National pool na pagmumulan ng 12-man team na isasabak sa Pusan Games sa September. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended