2001 PBL Challenge Cup: Ateneo-Pioneer, hiniya ng Welcoat
December 23, 2001 | 12:00am
Hiniya ng Welcoat Paints ang Ateneo-Pioneer, 86-57 upang ipuwersa ang three-way tie para sa ikalawang puwesto at pagandahin ang kanilang tsansa na makuha ang awtomatikong semifinals slot sa 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.
Ang panalo ay tumabon sa 67-72 kabiguang nalasap sa una nilang pagkikita ng Blue Eagle Insurers noong Dec. 4 at nakasosyo nila ang Blu Detergent at defending champion Shark na pawang naglista ng 7-4 panalo-talo karta.
Bumandera sa kampanya ng Welcoat si Ren Ren Ritualo na humakot ng 16 puntos kabilang ang tatlong triples, apat na rebounds at tatlong assists na sinegundahan naman nina Jojo Manalo na nagtala ng 15 puntos at Yancy de Ocampo na tumapyas ng 13 puntos bukod pa ang 11 rebounds, tatlong assists at dalawang supalpal.
We plan to win all three games to get the No. 1 spot going into the semifinals," pahayag ni Welcoat coach Junel Baculi.
"Hopefully, ganoon pa rin ang intensity ng mga bata. And I asked those who enlisted themselves sa draft na i-focus ang atensiyon muna sa laro," dagdag ni Baculi.
Dominado ng Paintmasters ang boards sa 53-39 na magaang na nagbigay sa kanila ng 16 puntos sa fastbreaks, 14 puntos sa second chance at 21 puntos sa 51 turn overs ng Blue Eagle Insurers.
Maagang kinuha ng Welcoat ang trangko sa 27-15 sa pagtatapos ng first canto at kanilang napalawig ito sa 50-22 sa halftime na hindi na nagawa pang lingunin ng Blue Eagles Insurers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am