Ang panalo ay dumuplika sa unang itinala ng Power boosters na 64-58 noong nakaraang Dec. 4 na siyang tumapos sa kanilang dalawang sunod na kabiguan at kanilang napalakas ang tsansa para sa awtomatikong semifinal slot bunga ng 7-4 kartada.
Humakot si Rysal Castro ng 11 puntos, ngunit sina Gilbert Malabanan at Chester Tolomia na kapwa tumapos ng tig-10 puntos ang siyang nagsalpak ng krusiyal na basket sa maiinit na bahagi ng labanan.
Ito ang ikatlong kabiguang nalasap ng ICTSI-La Salle sa kanilang 10 laban.
"I told the boys na kailangang manalo kami, this win is the best Christmas gift for us. Nag-respond naman sila dahil its hard totake the Christmas break with a loss," pahayag ni Shark coach Leo Austria.
"I have to give credits to the boys for giving their best, especially Clarence Cole who really stepped up in this game. I felt relieved dahil galing kami sa dalawang talo," dagdag pa ni Austria.
Naging makapgil hininga ang laban nang isalpak ni Mike Cortez ang tres upang itabla ang iskor sa 55-all may 1:04 ang nalalabi sa laro.
Ngunit dito, ipinamalas ng Shark ang kanilang malalim na karanasan nang isa lamang ang isalpak ni Malabanan sa kanyang foul throw mula sa foul ni Willy Wilson para sa 56-55 kalamangan, 37.9 segundo sa laro.
Sa sumunod na play, agad na humugot si Topex Robinson ng mabilis na steal kay Cortez at kanya itong ipinasa kay Malabanan na bagamat sumablay ang kanyang tira, mabilis si Tolomia na siyang nag-follow-up para sa panigurong 58-55 29, segundo sa tikada.